Pinawi ng Department of Health ang pag-aalala ng mga Pilipino kaugnay ng sinasabing bagong kumakalat na virus sa China na diumano ay nakarating na rin sa ibang bansa - ang human metapneumovirus (HMPV).
(Kuha ni Marou Sarne)
Sinabi ni DOH Assistant Secretary Dr. Albert Domingo na wala ring dahilan upang magpatupad ng lockdown ang Pilipinas sa lahat ng mga borders nito.
Ayon pa kay Domingo, madalas talagang tumatama sa China ang HMPV kapag winter season subalit ang mga kaso ngayon doon ay mas mababa pa rin ang bilang kaysa noong 2023. Tumaas din ang kaso ng rhinovirus doon na pangunahing dahilan ng sipon at ubo.
Ang HPMV ay nagsasanhi ng impeksyon sa upper at lower respiratory tract na nagiging dahilan ng ubo, sipon, at lagnat na karaniwang ginagawa rin ng iba pang virus.
Ito ay galing sa pamilya ng respiratory syncytial virus (RSV) na nagsasanhi ng sandalling impeksyon. Katulad ng RSV, ang HPMV ay nangyayari kapang malamig ang panahon at may potensiyal na maging epidemya kapag tumataas ang bilang ng mga nagkaka-impeksyon sa isang panahon.
Wala pang gamot o bakuna rito subalit mayroon nang dine-develop, ayon kay Albert Osterhaus, isang virologist sa Erasmus Medical University sa Rotterdam. Natagpuan din nila sap ag-aaral na ang mga batang nasa limang gulang at pataas ay nagkakaroon na ng antibodies laban sa HMPV.
Kabilang aniya sa magagawa ngayon ng mga mamamayan upang makaiwas sa HMPV ay laging maging malinis, iwasan ang mga taong may ubo at sipon, magsuot ng mask, at kung may sakit, manatili na lang sa bahay.
Ayon naman sa mga epidemiologists sa buong mundo, posibleng kumakalat na ang virus na ito ilang daang taon na ang nakararaan subalit noong 2001 lamang ito natuklasan ng Dutch researchers.
Sinabi ni Jill Carr, isang virologist sa Flinders University na ang HMPV na kumakalat ngayon sa China ay iba kaysa sa coronavirus pandemic. Ang HMPV ay hindi na aniya bago at wala ring mga naitalang mutation.
"Pero 'wag kakabahan...maski yung common cold, yung rhinovirus, wala naman talagang gamot doon. Ang talagang prevention d'yan is palakasin ang immune system," pagtatapos naman ni DOH Asec Domingo.
Lockdown ng Borders ng Pilipinas, Hindi Kailangan sa Kabila ng mga Kaso ng HMPV sa China at India; Walang Dapat Ikabahala, Ayon sa DOH | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: