Isang linggong selebrasyon para sa mga nakatatanda ang sinimulan sa Taguig City sa pamamagitan ng isang programa makalipas ang flag-raising ceremony sa Taguig City hall kahapon, Oktubre a dos.

News Image #1


Nanumpa sa harap ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang mga bagong halal na opisyal ng Taguig Association of Senior Citizens (TASC).

News Image #2


Binigyang halaga ni Cayetano ang mga karanasan at kaalaman ng mga nakatatanda na aniya ay ambag sa lipunan.

Isa ring espesyal na pagtatanghal sa pamamagitan ng interpretative dance ang ipinakita ng 1st runner up ng That's My Lola 2023 na si Erlinda Imbao, kasama ang kanyang mga apo.

News Image #3


Ang unang pitong araw ng Oktubre ay idineklarang Elderly Filipino Week simula pa noong 1994, bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga Pilipinong senior citizens.

Sa naturan ding programa, kinilala ni Cayetano ang mga Lifeline Assistance for Neighbors In-Need (LANI) scholars at board topnotchers na sina Timothy Regienald Zepeda (No. 1, Electrical Engineering Board Exam), Kimberly Dayagro (No. 2, Criminology Board Exam), at Angelo Lopez (No. 8, Master Electrician Board Exam) sa pamamagitan ng pagbibigay ng special merit incentives.

News Image #4


Makaraan ito ay nagtungo sina Cayetano at Konsehal Raul Aquino sa bahay ni Segundina Dela Cruz Laurente ng Barangay Cembo na nagdiriwang ng ika-101 taong kaarawan nito.

News Image #5


Personal na iniabot nina Cayetano at Aquino ang ₱100,000 birthday cash gift na patuloy na natatanggap ng isang centenarian habang siya ay nabubuhay.

News Image #6


Ang mga senior citizens ng Taguig, kasama ang mga bagong residente nito sa EMBO (Enlisted Men's Barrios) barangays ay may P3,000 hanggang P10,000 sa tuwing sasapit ang kanilang kaarawan sa bisa ng City Ordinance No. 25 series of 2017.

Mayroon din silang libreng gamot, libreng nursing services sa kanilang tirahan, libreng wheelchair, tungkod at hearing aid.

(Photos from Taguig PIO)