Nagdiwang na ng ika-100 taong kaarawan si Eufemia Fabillar ng Barangay Cembo, Taguig City, kaya't nakatanggap na ito ng birthday cash gift na ₱100,000 mula sa pamahalaang lungsod ng Taguig.

News Image #1


Personal na nagtungo si Taguig Mayor Lani Cayetano kasama si Konsehal Raul Aquino upang iabot kay Lola Eufemia ang cash gift nito.

Ang mga centenarians sa Taguig City ay nakakatanggap ng ₱100,000 kada kaarawan ng mga ito at hindi lamang kapag sumapit na sa mismong edad na 100.

News Image #2


Sinabi naman ng Office of the Senior Citizens sa Taguig na ang iba pang senior citizens na hindi umaabot sa 100 taon ay may natatanggap ding cash gift tuwing birthday ng mga ito na nasa pagitan ng P3, 000 hanggang P10, 000 depende sa kanilang age bracket.

Mayroon ding libreng mga gamot para sa diabetes, high blood at asthma ang mga senior citizens, libreng wheelchair, tungkod at hearing aids, konsultasyon sa doktor na puwede pang personal silang puntahan sa bahay kung bedridden na, at nursing services sa kanilang tahanan.

(Photos by Taguig PIO)