Ang low pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay naging ganap nang bagyo habang dumadaan malapit sa Guam.

News Image #1


Tinatayang papasok ang naturang bagyo sa Pilipinas, na tatawaging Gener, sa Martes ng gabi, Setyembre 17, at lalabas din ng Miyerkules ng umaga, Setyembre 18, 2024.

Kagabi ng alas 10:00, namataan ang sentro ng bagyo sa 2,165 kilometro silangan ng Katimugang Luzon.

News Image #2


Dala nito ang hanging may lakas na 45 kilometro kada oras (kph) malapit aa gitna, at may pagbugsong hanggang 55 kph.

Ang galaw nito ay pakanluran, hilaga-kanluran sa bilis na 20 kph.

Ang malakas na hangin nito ay may lawak na 280 kilometro mula sa gitna.

Papaulanin nito ang bansa dahil na rin sa pinalakas na Habagat.

Sa kasalukuyang pagbabantay ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang bagyo ay hindi direktang makakaapekto sa anumang bahagi ng bansa. Subalit maaapektuhan nito ang Habagat na magpapaulan sa bansa.

(Larawan mula sa PAGASA)