Isang low pressure area (LPA) ang binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGAS) na nasa 1, 435 kilometro sa silangan ng Katimugang Luzon.
(Larawan mula sa PAGASA)
Ayon sa PAGASA, may katamtamang posibilidad na maging bagyo ito sa susunod na 24 hanggang 48 oras.
Ang LPA ay maaaring pumasok sa bansa sa Linggo o sa Lunes.
Samantala, patuloy na pinauulan ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang ilang bahagi ng Mindnao. Kabilang sa mga apektado nito ay ang Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, BARMM, Davao Occidental, at Davao del Sur.
Magiging maulap hanggang sa uulan naman sa Visayas, Palawan at nalalabing bahagi ng Mindanao.
Inaasahan naman ang mga pag-ulan sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, at Bicol Region dahil sa easterlies due to the easterlies, at uulanin din ang iba pang bahagi ng bansa.
LPA na Posibleng Maging Bagyo, Binabantayan sa Katimugang Luzon; Easterlies ang Nagpapaulan Ngayon sa Metro Manila | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: