Nag-rollback ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong unang araw ng bagong taon, Enero 1, 2025.

Simula alas 6:00 ng umaga kahapon, ang Solane brand na LPG ay bumaba ang halaga ng P0.91 kada kilogram. Ang Gasul naman ay bumaba ng P0.90 kada kilogram kahapon ng alas 12:01 ng madaling araw.

News Image #1

(Larawan mula sa Philippine News Agency)

Samantala, noong Martes, Disyembre 31, 2024, nagbaba rin ng presyo ng gasoline, diesel at kerosene ang mga kumpanya ng petrolyo.

Ipinatupad ang P0.30 rollback sa presyo ng gasoline at diesel kada litro noong Martes, samantalang P0.90 kada litro naman ang ibinaba sa presyo ng kerosene.

News Image #2

(Larawan ng Taguig.com)

Sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na ang pagbabang ito ng presyo ng mga produktong petrolyo ay bunga ng inaasahang sobrang suplay ng produkto sa merkado ngayong 2025.

Noong nakaraang Martes, Disyembre 24, 2024, nagtaas ang mga kumpanya ng petrolyo ng presyo sa gasoline ng P0.50 kada litro, ang diesel ng P1.45 kada litro at ang kerosene ng P0.75 kada litro.