Pansamantalang ihihinto ang operasyon ng Light Rail Transit 1 (LRT-1) sa tatlong pagtatapos ng linggo (weekend) ngayong Agosto.

News Image #1

(Larawan ng LRT 1)

Ito ay bilang paghahanda sa pagbubukas ng Cavite Extension Phase 1 sa ika-apat na bahagi ng taong ito.

Walang tatakbong tren ng LRT 1 mula Fernando Poe, Jr. station hanggang sa Baclaran station sa Agosto 17 hanggang 18, Agosto 24 hanggang 25, at Agosto 31 hanggang Setyembre 1, 2024.

Kapag natapos na ang pagpapalawig ng LRT 1 na magkokonekta sa Manila hanggang Cavite, mababawasan na ang pagba-biyahe ng mga tao mula Baclaran hanggang Niog, Cavite ng mula isang oras at sampung minute tungong 25 minuto na lamang sa pamamagitan ng tren.

Ayon sa LRT, ang paggawa sa Phase 1 ay tuloy-tuloy at nakumpleto na ng 98.2% noong katapusan ng Abril.

Sa naturang proyekto, madadagagan ng 6.2 kilometro ang kasalukuyang LRT-1 line mula sa Baclaran Station hanggang sa Dr. Santos Station sa Parañaque City. Ang Phase 1 ay inaasahang magagamit na sa katapusan ng taon at makakapagsilibi sa may 600, 000 pasahero araw-araw.

Ang limang bagong istasyon sa ilalim ng Phase 1 na kinukumpleto na ay ang Redemptorist Station, Manila International Airport Station, Asia World Station, Ninoy Aquino Station, at Dr. Santos Station.