Niyanig ang Occidental Mindoro ng 5.5 magnitude na lindol kaninang alas 6:42ng gabi, Enero 20, 2025.

Ang lindol ay may lalim na 116 kilometro at natukoy ang episentro nito sa Lubang, Occidental Mindoro.

News Image #1

(Larawan ng Phivolcs)

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na naramdaman ang Intensity !V sa Lubang, Occidental Mindoro.

Intensity III naman ang naramdaman sa Taguig City, Makati City, Quezon City, Obando Bulacan, Hermosa Bataan, Cainta Rizal at Cabuyao Laguna.

Intensity II ang naitala sa Puerto Galera Occidental Mindoro, Cuenca at Talisay sa Batangas, at sa Tagaytay at Bacoor Cavite.

Ang Muntinlupa City ay nakaranas ng Intensity I na lindol.

Sa instrumental intensities, narito ang naitala ng Phivolcs:
Intensity III - Tagaytay, Cavite; Calapan, Oriental Mindoro; Puerto Galera, Oriental Mindoro
Intensity II - Navotas City; Pandi at San Rafael, Bulacan; Bauan, Talisay, at Tanauan, Batangas; Naic, Ternate, at Trece Martires, Cavite; Calamba, Laguna; Abra De Ilog, Magsaysay, at Mamburao, Occidental Mindoro.
Intensity I - Malabon City; Bulacan, Bustos, at Paombong, Bulacan; Rosario, Batangas; San Pablo, Laguna; Dolores, Gumaca, at Mauban, Quezon; atTanay, Rizal.

Ayon sa Phivolcs, ang magnitude ay sukat ng enerhiya ng lindol mula sa focus. Ito ay kinakalkula mula sa mga lindol na naitala ng instrumentong tinatawag na seismograph.

Samantala, ang intensity naman ay lakas ng lindol na nararamdaman at nakikita ng mga tao sa isang lugar. Ito ay batay sa magkakaugnay na epekto sa mga tao, mga bagay, kapaligiran, at mga istraktura sa paligid. Ang intensity ay kadalasang higit na mataas malapit sa episentro.