Nagtalaga ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig ng mga lugar sa mga barangay sa Taguig na maaaring pagsagawaan ng pagpapaputok sa pagpasok ng Bagong Taon.

News Image #1

(Larawan mula sa Taguig City Police)

Batay sa ipinalabas na Ordinance No. 87, Series of 2018, ipinagbabawal ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig, sa tulong ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at mga opisyal ng barangay ang pagbebenta, pamamahagi, pagpapaputok o pagsasanhi para pumutok ang anumang paputok, pyrotechnic device o anumang katulad na bagay sa labas ng mga itinalaga nitong firecracker zones.

Isang lugar sa particular na barangay na may bukas na espasyong may limang metrong layo mula sa pinamakalapit na istraktura o gusali ang ginawang firecracker zone. May itinalaga ring bumbero, ambulansyang may emergency medical team, naka-stand by na fire extinguisher at response teams mula sa barangay sa naturang lugar.

Narito ang listahan ng mga firecracker zones sa Taguig City:

Sa District 1:
• Palingon - sa likod ng Barangay Hall, Pk. 1 F. Dingguin Bayan Open Court at Pk. 2 Bantayan
• Bambang - sa Basketball Court sa Kentucky St.
-Mahogany Place 2 Block 3 Lot 2 & 4 San Dimas Street
• Wawa - Barangay Road at sa Guerrero St.
• San Miguel - Victoria Compound Basketball Court sa St. Michael at Open Basketball Court malapit sa Barangay Hall
• Lower Bicutan - Lakeshore Barge (organisadong kaganapan lamang, bawal ang paggamit ng paputok ng mga indibidwal)
• Bagumbayan - Open Area sa harap ng CP Sta. Teresa Elementary School o Open Area sa likod ng Barangay Hall
• Hagonoy - Hagonoy Sports Complex Parking Area (Quadrangle)
• Napindan - Samama (Dulo) Open Area sa Purok 5 extension Tabing Ilog, at Purok 5 (sa harap ng Jelly Port)
• Tuktukan - JP Rizal St.

News Image #2

(Larawan ng Taguig PIO)

Ang mga sumusunod na lugar naman ay bawal ang mga paputok:
• Ligid-Tipas - No Firecracker Zone
• New Lower Bicutan - No Firecracker Zone
• Sta. Ana - No Firecracker Zone
• Ususan - No Firecracker Zone
• Ibayo-Tipas - No Firecracker Zone
• Calzada - No Firecracker Zone
• Comembo - No Firecracker Zone
• Pembo - No Firecracker Zone
• Rizal - No Firecracker Zone

Ang firecracker zones sa District 2 ay ang mga sumusunod:
• South Daang Hari - Lakefront
• Central Bicutan - Osano Park
• Upper Bicutan - Osano Park
• Fort Bonifacio - 5th Avenue, Bonifacio Global City (organisadong kaganapan: NYE at the 5th, bawal ang indibidwal na pagpapaputok)
• Katuparan - Open space ng Materials Recovery Facility (MRF), 7th Street
• Central Signal - Zone 8 cor. Ballecer St. sa harap ng Em's Elementary School
- Zone 9 cor. Ballecer St. sa harap ng Signal Village National High School

News Image #3

(Larawan ng Taguig PIO)

Ang mga sumusunod na lugar naman ay pinagbabawalan ang pagpapaputok:

• North Daang Hari - No Firecracker Zone
• North Signal - No Firecracker Zone
• Pinagsama - No Firecracker Zone
• South Signal - No Firecracker Zone
• Tanyag - No Firecracker Zone
• Western Bicutan - No Firecracker Zone
• Maharlika - No Firecracker Zone
• Cembo - No Firecracker Zone
• South Cembo - No Firecracker Zone
• East Rembo - No Firecracker Zone
• West Rembo - No Firecracker Zone
• Pitogo - No Firecracker Zone
• Post Proper Northside - No Firecracker Zone
• Post Proper Southside - No Firecracker Zone

Ipinagbabawal din ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa bisa ng Ordinance No. 35, Series of 2014 ang pagbebenta ng mga paputok at pailaw sa mga bata.

News Image #4

(Larawan ng Taguig City Police)

Kung sakaling magkaroon ng emergency, maaaring tawagan ang mga sumusunod:
Command Center:
(02) 8789-3200
Taguig Rescue:
0919-070-3112
Taguig PNP:
(02) 8642-3582
0998-598-7932
Taguig BFP:
(02) 8837-0740
(02) 8837-4496
0906-211-0919