Maaaring maging ligtas online kung magiging alerto at mapanuri sa mga nakikita at nababasa internet, at kung hindi basta magki-click ng mga links bukod pa sa hindi susunod sa mga ipinag-uutos o iniaalok ng mga bagong kakilala.

Bukod dito, sinabi ni Mervin Wenke, Communication Head ng Google Philippines, sa isang press conference sa kanilang opisina sa Bonifacio Global City, Taguig City noong na naglagay sila ng mga tools na tutulong para mas maprotektahan ang mga nagba-browse sa internet.

News Image #1


Inilunsad ng Google ang Bard noong Marso 21, 2023 at noong February 8, 2024 ay naging stable na ito at tinawag nang Gemini, isang artificial intelligence chatbot na libreng magagamit ng mga Google users.

News Image #2


Maaaring magtanong dito sa pamamagitan ng pag-type o pagsasalita ng anumang nais malaman, kasama ang tungkol sa mga scam online.

May Google Password Manager din na libre at built-in na pantulong para makabuo, mailagak sa internet at mapamahalaan ang protektadong password para sa lahat ng online accounts ng isang gumagamit nito.

May Passkeys din, na tulad ng fingerprint o face ID, ay isang mas ligtas na alternatibo o isa pang proteksyon sa password. Maaaring maprotektahan ang mga account sa phishing dahil ito ay nakalagak na sa telepono ng may-ari ng account.

Ipinayo rin ni Wenke na mag-install ng pinakahuling operating software at updates para sa mas ligtas na paggamit sa internet ay proteksyon mula sa mga bagong pagbabanta. Mayroong Google Play Protect na kailangang automatic nan aka-on para protektahan ang teleponong Android at ang data nito mula sa mga malisyosong apps o sa padalos-dalos na pag-click ng links.

Sinabi ni Wenke na mayroon din silang Google Security Checkup na isang simple at step-by-step na tool na nasa Google Account ng isang may-ari at nakakatulong sa pagbabalik-aral at pagpapahusay pa ng online security.

Bago pa man magkaproblema, nakikita na at naaayos ang potensyal na kahinaan sa seguridad ng mga digital account ng isang may-ari na nakakonekta sa lahat ng devices nito.

Kailangan ding i-review ang mga data settings para makita kung maayos ang pagtakbo ng apps at mga accounts.

Huwag ding basta magbahagi ng data online at pag-aralan ang mga app at ang mga website na pupuntahan sa pamamagitan ng pagbasa sa mga terms and conditions at settings nga mga ito.

Ipinaalala rin ni Wenke na huwag basta mag-click ng link, i-check ang background ng website o ng kausap online at tingnan kung mapagkakatiwalaan ang source online sa pamamagitan ng paggamit ng Google Search.

Huwag ding basta papapayag o magpapapilit lalo na sa mga nag-aalok at minamadali ang isang tao na magdesisyon o masyado nang binobola ito.

(Kuha ni Vera Victoria)