Mahigit 100 dayuhan ang naaresto sa isang ilegal na online gambling hub sa Lapu-Lapu City, Cebu noong Agosto 31, 2024.

News Image #1


Ayon sa Bureau of Immigration (BI) nagsagawa sila ng operasyon kasama ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), the National Bureau of Investigation (NBI), the Armed Forces of the Philippines (AFP), the Philippine Center on Transnational Crime (PCTC), and the Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT)sa isang resort sa Barangay Agus, Lapu-lapu City

News Image #2


Isang mission order ang ipinalabas ni BI Commissioner Norman Tansingco laban sa tatlong ilegal na dayuhan na tapos na ang itinakdang araw para sa pananatili nila sa bansa at napag-alamang walang permiso para magtrabaho sa naturang lokasyon.

Subalit nang isagawa ang raid, mahigit sa 100 dayuhan ang nadiskubre nilang nagtatrabaho sa isang ilegal na online gaming sa mga ginawa lamang na mga istasyon ng mga ito sa loob ng resort.

Tinitingnan ng BI ang posibilidad na harapan din ng kaso ang may-ari ng resort sa pagtatago nito ng mga ilegal na dayuhan.


"We will suggest to the authorities to file cases against resort owners to allow their properties to be used by illegal aliens in their covert operations. This will serve as a warning to those who might attempt to start illegal online gambling operations, which has already been banned by the President," ayon kay Tansingco.

Sasailalim muna sa inquest proceedings bago idedetine sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig, ang mahigit 100 arestadong dayuhan.

(Mga larawan mula sa Bureau of Immigration)