Mahigit sa 100 out-of-school youth (OSY) sa Taguig City ang natuto ng dagdag na kaalaman sa isinagawang pagsasanay na pinamagatang "Skills for Success: Out-of-School Youth Training."
Isang pormal na seremonya ng pagtatapos ang isinagawa sa New City Hall Convention Center noong Agosto 19, 2024.
Ang pagsasanay na inorganisa ng Taguig Manpower Training and Assessment Center at Sangguniang Kabataan ay nagbigay ng dagdag na skills sa mahigit100 OSY sa Basic Bread Making, Basic Pastry Making, Preparation and Serving of Coffee Beverages, 5S Lean Workplace and Good Housekeeping, at Installation of House Wiring Systems.
Binigyan ng mga starter kits ang mga nagtapos upang magamit sa kanilang pagnenegosyo o pagsisimula ng kabuhayan makalipas na matuto sa mga iba't ibang aspeto ng kasanayan. Mayroon ding sertipikasyon ng pagtatapos na ibinigay sa mga ito.
Sinabi ni Taguig Councilor Jomil Serna na ang hakbangin ay isang pagpapatunay ng dedikasyon ng pamahalaang lungsod ng Taguig na mabigyan ng ikabubuhay ang mga OSY at maitapat sa pangangailangan ng mga iba't ibang industriya sa Taguig.
"Sinisiguro na ang bawat kabataan ay may access sa mga ganito dahil naniniwala tayo sa Taguig na ang tagumpay ng kabataan ay tagumpay ng ating bayan," ayon sa konsehal.
Nagpasalamat naman ang mga nagtapos sa ibinigay sa kanilang bagong kaalaman. Ayon sa isa sa nagtapos ng kasanayan sa paglalagay ng house wiring system na si Angeline Garduque, ang mga natutunan ng mga nagtapos ay magiging pundayon para lalo pang paunlarin ang kanilang sarili, para sa maayos na kinabukasan.
(Mga larawan mula sa Taguig PIO)
Mahigit 100 OSY, Nagtapos sa Skills Training; Binigyan ng Starter Kit Para Makapagnegosyo | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: