Mahigit ₱1 milyong pisong halaga ng ipinagbabawal na gamot ang nakumpiska sa isang lalaki sa buy-bust operation sa Barangay Upper Bicutan, Taguig City noong Hunyo 25, 2024.

Ayon sa Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit bandang alas 4:45 ng umaga noong Martes nang magpanggap ang isa nilang ahente na bibili ng shabu kay alyas Abel, 39 taong gulang.

News Image #1

(Larawan mula sa Taguig Police)

Nang iabot ng nagpanggap na buyer ang perang nagkakahalaga ng ₱20, 000 kung saan isa lang ang totoong ₱1,000 bill at ang iba ay boodle money, at akmang ibibigay naman ng suspek ang hinihinalang shabu, dinakma na ito ng mga nagtatagong pulis.

Nakuha kay alyas Abel ang 150 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱1,020,000.00.

Nakuha kay Abel ang 6 na sachet ng ipinagbabawal na gamot, isang digital weighing scale, pulang pouch at ang ginamit ng buy-bust money.

Haharapan ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) si Abel.