Isang buy-bust operation sa Barangay Cembo, Taguig City noong Oktubre 18, 2024 ng alas 10:00 ng gabi ang naging matagumpay makaraang mahuli ang isang nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa naturang lugar.
(Larawan ng Taguig City Police)
Sa operasyong isinagawa ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit, naaresto si alyas Daniel na may dalang 32.9 gramo ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride. Nakalagay ito sa walong heat-sealed na plastic sachets.
Tinatayang ang street value nito ay nasa ₱223,720.00.
Nakumpiska rin sa suspek ang tunay na P500 ginamit na buy-bust money, 4 na tig-P1,000 boodle money at isang coin purse.
Si alyas Daniel ay kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act 9165).
Mahigit ₱220K na Ipinagbabawal na Gamot, Nakuha sa Isang Lalaki sa Barangay Cembo | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: