Mahigit 790 mga Taguigeño ang nakinabang sa libreng check-up sa mata at salamin at pagpapapustiso sa isinagawang Oplan Linaw at Oplan Ngiti sa Lakeshore Hall, Barangay Lower Bicutan, Taguig City noong Enero 21, 2025.
Ang may 790 mga residente ng Taguig ay sinukatan ng salamin ng mga optometrists at 50 namang graduating students ng Taguig City University ang unang batch ng mga benepisyaryo sa ilalim ng Oplan Ngiti program. Ang programang ito ay palalawigin din sa ibang unibersidad na pampubliko ng Taguig.
Ang mga tiningnan ang grado ng mata at sinukatan ng salamin ay magkakaroon ng bagong salamin na personal na dadalhin sa kanilang bahay kapag nagawa na.
Ang mga estudyante namang chineck-up ng mga dentista ay sinukatan ng mga bagong pustiso na dadalhin din sa kanilang tahanan. Ito ay upang matulungan ang mga estudyanteng maihanda ang kanilang sarili sa pag-a-apply sa trabaho kapag sila ay nakatapos na ng pag-aaral at magkaroon ng ngiting may tiwala sa sarili.
Sinabi ni Taguig Ciity Mayor Lani Cayetano na ang pagpapahalaga sa kalusugan ang isa sa pangunahing layunin ng Pamahalaang Lungsod.
"Dito sa lungsod ng Taguig, bahagi ng ating Transformative, Lively, and Caring City Agenda ang pagsisigurong maihatid natin sa ating mga kababayan ang serbisyong pangkalusugan. Patuloy nating pinalalawak ang mga programa upang makapagbigay ng tulong, lalo na sa mga Taguigeñong may concern sa mata. Kasama rin dito ang Oplan Ngiti, na bahagi ng ating layunin bilang isang lungsod na bigyang-halaga ang kalusugan sa bibig."
Isa sa mga nakinabang sa Oplan Ngiti ang 22 taong gulang na BS Psychology students na nagsabing malaking tulong ang pag-aayos ng kanyang ngipin para maibalik ang kumpyansa niya sa sarili.
Ang 48 taong gulang na ina namang si Mary Grace Calderon na natingnan ng mga optometrists ang mata ay tuwang-tuwa dahil mayroon na siyang salamin na noon aniya ay hindi niya mabili dahil prayoridad niya ang gastusin sa pagpapalaki at pag-aaral ng kanyang anak.
(Mga larawan mula sa I Love Taguig Facebook Page)
Mahigit 790 Taguigeños, Nakinabang sa Oplan Linaw at Oplan Ngiti | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: