May nakarehistrong 1, 638, 588 na mga Persons with Disabilities (PWDs) sa Pilipinas kung saan 914,361 ang babae at 966, 421 ang lalaki, ayon sa National Council on Disability Affairs (NCDA).

News Image #1

(Larawan ng NCDA)

Sa selebrasyon ng National Disability Rights Week, hinihikayat ang lahat na makipagtulungan upang ang karapatan ng mga PWDs ay maprotektahan at ang mga isyu nila ay mabigyan ng solusyon.

Sa pinakahuling ulat ng NCDA noong Hunyo 8, 2024, ang pinakamataas na bilang ng mga nakarehistrong PWDs ay ang may physical disability na nasa 646, 208 at ang pinakamababa ay ang may kakaibang sakit na nasa 31, 052.

Ang lugar naman sa bansa na may pinakamatqas na bilang ng mga nakarehistrong PWD ay ang National Capital Region nw may 293, 073. Ang pinakamababa ay ang Bangsamoro Autonomous Reguon in Muslim Mindanao na nasa 16, 218.

Para makapag-rehistro bilang PWD sa bisa ng Republic Act 9442 o Magna Carta for Disabled Persons, kailangan lamang na lumagda sa PWD Registration Form na makukuha sa saan mang PWD Registration Centers (magtanong sa inyong pamahalaang lungsod o bayan o sa inyong barangay).

Magdala ng dalawang 1"x1" na pinakahuling ID pictures. Maglagay ng dokumentong nagpapatunay ng medikal na kondisyon o kapansanan (medical certificate).

Maaari itong isumite pamahalaang bayan o lungsod o sa kapitan ng barangay.