Mahigit P1.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa dalawang babaeng matagal nang tinutugaygayan na suspek sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot sa isang operasyon sa Barangay Maharlika, Taguig City noong Setyembre 30, 2024.
Sa isinagawang operasyon ng Southern Police District (SPD), Taguig Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), naaresto sina Sandra Ali Manibpal na kilala rin sa alyas na Kar, 35 taong gulang at gayundin si Meriam Ganao Butukan, 30 anyos, kapwa part-time employees ng isang kilalang courier company at mga residente ng Barangay Maharlika, Taguig City.
Bandang alas 11:45 ng gabi noong Setyembre 30 nang magpanggap na buyer ang isa sa mga ahente ng pulisya at nakuha sa dalawa ang 225 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang ang halaga ay Php1,530,000.00.
Haharapan ng kasong paglabag sa "Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002" si Manibpal samantalang paglabag naman sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng R.A. 9165 ang ihahatap laban kay Butukan sa korte.
Tiniyak ni NCRPO Regional Director Melencio Nartatez na tuloy tuloy ang kapulisan sa kanilang isinasagawang pagsugpo ng pagkalat ng bawal na gamot at iba ilegal na aktibidad na may kinalaman sa bawal na gamot.
"The NCRPO, in coordination with other law enforcement agencies, continues to implement strategic operations, heightened intelligence gathering, and community-based initiatives to ensure that the region remains vigilant and proactive in the fight against illegal drugs. It is our collective responsibility to maintain peace and order and protect communities from the harmful effects of illegal substances," ayon kay Nartatez.
(Larawan mula sa PNP-NCRPO)
Mahigit P1.5 M Hinihinalang Shabu, Nakumpiska sa 2 Babae sa Barangay Maharlika | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: