Dalawang kababaihan ang naaresto ng mga tauhan ng Southern Police District Drug Enforcement Unit makaraang mahulihan ng ₱3 milyong hinihinalang shabu sa Barangay Rizal, Taguig City kaninang madaling araw ng Agosto 15. 2024.

News Image #1


Ala 1:15 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang SPD DEU kung saan naaresto sina alyas Arianne, 37 taong gulang at alyas Joann, 19 na taong.

News Image #2


Dati nang naaresto ang dalawa dahil sa paglabag sa
Sections 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakumpiska sa mga ito ang anim na plastic ng hinihinalang shabu na tumimbang ng 450 grams at tinatayang ang halaga ay ₱3,060,000.00.

Nakuha rin sa mga ito ang ₱1000.00 marked money na ginamit sa transaksyon, 19 piraso ng boodle money, isang android phone, at isang itim na lalagyan.

Naibigay na sa SPD Forensic Unit ang mga ebidensiya para sa eksaminasyon sa laboratoryo.

Haharapan ng panibagong kaso ng paglabag sa sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 ang mga naturang suspek sa Taguig City Prosecutor's Office.

(Mga larawan mula sa Southern Police District)