Mahigit apat at kalahating kilo ng mga ipinagbabawal na gamot ang nakumpiska sa isang 34 na taong gulang na lalaki sa isang buy-bust operation sa Malugay Street Barangay Western Bicutan, Taguig City kagabi, Oktubre 26, 2024.

News Image #1



Sa isinagawang operasyon ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District. Philippine Drug Enforcement Agency, Southern District Highway Patrol Unit, District Mobile Force Battalion ng SPD at Taguig City Police Sub-Station 2, nakuha kay Jhovel Ocampo ang 4.5 kilo ng hinihinalang shabu, at may nakumpiska pa ritong 6.9 gramo ng hinihinalang cocaine.



Si Ocampo na taga-Bacoor, Cavite ay matagal na umanong may kaugnayan sa pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot.

Ang 4.5 kilo ng shabu ay tinatayang nasa P30, 600, 000 ang halaga samantalang ang cocaine naman ay nasa P36, 570 ang halaga.
News Image #2


Sinabi ni Police Brig. General Bernard Yang, District Director ng SPD, na ang pagkakahuli sa high value individual na ito at pagkakakumpiska ng malaking halaga ng droga ay isang pagpapakita ng katiyakan na ang pulisya ay pananatiling ligtas sa droga ang mga komunidad.

"The dedication and teamwork of our law enforcement units are crucial in dismantling illegal drug networks. We will continue these efforts to protect our neighborhoods from the threat of dangerous drugs," ayon pa kay Yang.

Pinuri rin ni Police Major General Sidney Hernia, pinuno ng National Capital Region Police Office ang matagumpay na buy-bust operation. "This successful operation by our multi-unit team in Taguig manifests our firm resolve to protexct our communities from the impact of illegal drugs. Let it serve as a firm message: we will continue to take decisive steps to dismantle drug operations throughout Metro Mania."

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Taguig City Police si Ocampo at isang malalimang imbestigasyon ang isinasagawa upang matukoy ang network ng suspek.

Sasampahan na ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drusg Act of 2002 ang suspek sa Taguig City Prosecutors Office.

(Mga larawan at video mula sa SPD)