Paghandaan ang mainit na panahon na magkakaroon ng panaka-nakang pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa easterlies na manggagaling sa Pacific Ocean, kasama na ang epekto ng El Niño.

News Image #1


Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magpapatuloy pa ang matinding init ng panahon makaraang maitala ang pinakamataas na temperaturang 46 degrees Celsius sa Bacnotan, La Union noong Marso 24.

Ang mataas na temperatura naman na naitala noong Marso 23 sa San Jose, Occidental Mindoro ay nasa 36.5 degrees Celsius at ang Metro Manila naman ay nasa 33.7 degrees Celsius.

News Image #2


"In the coming months, the number of dry and warm days across the country will continue to increase, although isolated thunderstorms are also likely to occur, usually in the afternoon or evening," ayon sa PAGASA.

Sinabi ng PAGASA na may average na 8 oras na maaraw sa mga susunod na araw ngayong Marso. Idineklara na ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-araw o summer nitong Marso 22.

(Kuha ni Dek Terante)