Sa talumpati ni Taguig City Mayor Lano Cayetano sa personal na pagdalo ng Kagalang-galang na si Tharman Shanmugaratnam, Pangulo ng Republika ng Singapore, sa seremonya sa Kalayaan Hall ng SM Aura Tower sa Bonifacio Global City (BGC) noong Agosto 16, sinabi nitong nakalinya sa pananaw ng Taguig na transformative, lively at caring city ang kasunduan sa pagitan ng Taguig City, TEMASEK Foundation, KK Women's and Children's Hospital, at CareSpan Asia, Incorporated.
"Our mission in Taguig has always been to provide equitable access to quality and affordable healthcare for all. We have pioneered programs in the country by offering comprehensive care, including nutrition, wellness, and various medical services, bringing healthcare closer to our community - sometimes even directly to their doorsteps," ang pahayag ni Cayetano.
Noong Agosto 15, 2024 naman, ang mga delegado ng Singapore kasama ang mga lokal na medical professionals at practitioners ay nagsama-sama rin sa Kalayaan Hall, SM Aura Satellite Office para sa Maternal and Child Health Symposium.
Ang kaganaman na pinamagatang "Shaping the Future of Maternal & Child Health in Taguig City" ay nagtuon ng pansin sa pagtutulungan para sa pangangalaga ng kalusugan ng mga nanay at kanilang anak.
Kabilang sa mga dumalo ay sina Jennie Chua, Chairman ng Health and Education ng Temasek Foundation; Kee Kirk Chuen, pinuno ng Health and Well-being sa Temasek Foundation; Prof. Fabian Yap, Deputy Director ng Maternal and Child Health Research Institute sa KK Women's and Children's Hospital; Aloysius Colayco, Chairman ng CareSpan Asia; Dan Reyes, CEO at President ng CareSpan Asia; Dr. Shephali Tagore, Senior Consultant sa Maternal Fetal Medicine sa KK Women's and Children's Hospital; Dr. Yip Wai Yan, Senior Consultant sa Neonatology sa KK Women's and Children's Hospital; at Dr. Giselle Reinoso, Consultant sa Child Development sa KK Women's and Children's Hospital.
Kabilang sa mga tinalakay sa symposium ang mga istratehiya para sa ligtas na panganganak, dahilan ng pagkamatay ng maaga ng mga sanggol, at mga makabagong kaalaman sa larangan ng pangangalaga sa nanay at sanggol.
"We aim to create a comprehensive healthcare program - providing services that cater to their physical, mental, social, and even economic concerns," ang pahayag ng alkalde.
Ang mga delegado ng Singapore ay bumisita rin sa mga pasilidad pangkalusugan ng Taguig kabilang ang Taguig-Pateros District Hospital, kung saan ipinakita ang kasalukuyang ginagawang Center for Women and Children at iba pang pagpapaunlad sa ospital. Dinala rin sila sa Milk Bank ng pagamutan na sumusuporta sa nutrisyon ng mga bagong panganak.
Nagtungo rin ang delegasyon sa North Signal Super Health Center kung saan may pasilidad din para sa pagpapaanak at may family planning room.
(Mga larawan at video mula sa Taguig PIO)