Nagbanta umano si Makati Mayor Abigail Binay na isasara niya ang lahat ng mga eskwelahan sa apektadong barangay ng territorial dispute.
Ayon sa Taguig City government, sa pagpupulong nina Taguig City Mayor Lani Cayetano, Binay at mga opisyal ng Department of Education (DepEd) Makati at Taguig-Pateros, sinabi umano ni Binay na kung hindi magbabayad ang Taguig sa halaga ng mga gusaling pampaaralan, o magbayad ng renta sa paggamit nito, ipapasara na lamang nya ang mga eskwelahan.
Gayundin, sinabi ng Taguig na nagsisinungaling si Makati City Administrator Claro Certeza nang sabihin nitong tinanggihan ng Taguig City ang alok ng Makati na patuloy na magbibigay ng libreng uniform, sapatos at iba pang gamit pang eskwela ng 30, 000 mga
estudyante ng mga eskwelahang apektado ng desisyon ng Korte Suprema.
Ayon sa Taguig, ang mga ganitong balita ay malisyoso at peke, na itinaon pa sa pagbubukas ng klase.
Sinabi ni Taguig Mayor Lani Cayetano na ang isyu ng pagmamay-ari sa mga paaralan o ang pagbabayad sa mga ito ay kailangang isantabi muna para maging maayos lamang ang Brigada Eskwela at ang pagbubukas muli ng klase.
(Photos from Taguig PIO)
Makati; Nananabotahe - Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: