Ipinag-utos ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang pansamantalang pagsasara ng Makati Park and Garden sa Barangay West Rembo, Taguig dahil sa pagsasagawa nito ng operasyon kahit walang kaukulang permiso.
Ngayong araw na ito, Marso 3, ay makikitang may nakalagay na tarpaulin na nagsasaad ng kautusan ng Taguig City.
Sinabi ng pamahalaang lungsod na ang pagsasara ay batay sa kapangyarihan ng local government unit sa ilalim ng Local Government Code, mga desisyon ng Korte Suprema, at mga lokal na ordinansa na nagbibigay awtoridad sa lokal na pamahalaan na i-regulate ang anomang negosyo, kalakal, o aktibidad sa teritoryo nito sa pamamagitan ng pag-isyu ng mayor's permit matapos makapagsumite ang aplikante ng mga dokumento at makapagbayad ng angkop na fees at charges.
Napag-alaman na walang mga ganitong permiso mula sa Taguig City Hall ang Makati Garden and Park.
Sinabi ng Taguig City na ang Makati Park and Garden ay dati na namang sarado sa publiko dahil ginamit na lamang na garahe ng heavy equipment at tambakan ng kung ano-anong mga bagay kagaya ng mga Christmas trees at parol.
Binigyang diin ng Taguig na ito ay sakop ng kanilang hurisdiksiyon at may karapatan ito sa paghawak at pamamahala bilang isang pampublikong pasilidad.
(Mga larawan mula sa Taguig PIO)
Makati Park and Garden, Ipinasara ng Taguig City Dahil Walang Kaukulang Permiso sa Pag-Operate | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: