Binigyan ng Makati ng sapat na panahon ang Taguig upang makapagtayo ng kanilang sariling day care centers sa EMBO (enlisted men's barrio) barangays subalit hindi ito kumilos, ayon kay Makati City Administrator Atty. Claro Certeza.
Tinuligsa ni Certeza ang paninisi sa Makati ng pamahalaang lungsod ng Taguig sa aniya ay kakulangan naman ng Taguig.
"First, we would like to point out that we had already extended until January 31 our day care services, which were supposedly until December 31, 2023 only. Taguig had more than enough time to establish new day care centers in the EMBO barangays, yet they failed to take action. Now, they are blaming Makati for their incompetence," ayon kay Certeza.
Sinabi ni Certeza na bago pa dumating ang Disyembre 31 noong nakaraang taon ay nasabihan na nila ang Taguig sa pagsasara ng mga day care center kung kaya't dapat aniya ay nakapagtayo na ito at nakakuha ng mga day care teachers.
"Rather, they have hastily set up day care centers in public schools, which is a questionable move because day care services are not within the purview of the Department of Education (DepEd). This is a clear violation of the memorandum of agreement (MOA) we entered into with DepEd," dagdag pa ni Certeza.
Simula nang ibaba ng Korte Suprema ang desisyon kaugnay ng hurisdiksyon ng EMBO barangays na pumabor sa Taguig, sinabi ni Certeza na tiniyak ng naturang pamahalaang lungsod na kaya nilang ibigay ang mga pangunahing serbisyong nakasaad sa batas.
"We urge them to stop playing with the people's emotions and instead focus their energy and resources on meeting the basic needs of their new constituents. They should match their words with tangible actions and ensure that all the gaps are promptly filled, and no one falls through the cracks. For the sake of the citizens of the EMBO barangays, we urge the leaders of Taguig to get their act together and move forward," saad pa nito.
Agad namang naglagay ng pansamantalang day care centers ang Taguig sa mga elementary schools sa EMBO upang hindi mabitin ang pagbabalik sa mga sentro ng mga bata sa Pebrero 5.
Makati, Sumagot sa Paninisi sa Kanila ng Taguig sa Pagsasara ng Day Care Centers sa EMBO Barangays | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: