Ang pamahalaang lungsod ng Makati ang umurong at nagkakalat ng maling impormasyon kaugnay ng paglilipat ng hurisdiksyon ng mga pasilidad pangkalusugan sa EMBO (Enlisted Men's Barrios) barangays tungo sa pamahalaang lungsod ng Taguig.
Ito ang inihayag ng pamahalaang lungsod ng Taguig makaraang magpalabas ng pahayag ang Makati City Administrator Atty. Claro Certeza na ibinasura ng Taguig ang kanilang panukalang memorandum of agreement (MOA) para sa maayos na paglilipat sana ng mga health centers kabilang na ang Ospital ng Makati (OsMak) sa Taguig sa Oktubre 1, 2023.
Sa pahayag na ipinalabas ng pamahalaang lungsod ng Taguig, sinabi nitong ang panukalang MOA ay naka-angkla sa paniniwala ng Makati City na pag-aari nila ang lupa at ang mga nakatayong kalusugang pangkalusugan doon.
"This 'unwavering stance' that the land and facilities built thereon 'unequivocally remain firmly under the purview of the City Government of Makati' shamelessly violates the agreement with the DOH (Department of Health) for both Makati and Taguig not to take up ownership claims of the land and buildings while the transition discussions are on-going so as not to derail the prime objective of a smooth transition of jurisdiction from Makati to Taguig," batay sa nakasulat na pahayag ng Taguig City Government.
Sa posisyon ng Makati na ang kanilang pag-aangkin sa mga health centers sa EMBO barangays ay hindi na maaaring pag-usapan pa o non-negotiable, sa kabila nang ang kasunduan sa DOH ay pansamantala munang iwanan ang isyu, ay isang masamang aksyon sa parte ng Makati at tila binabalewala nito ang kalagayan ng mga dati nitong residente.
"Indeed, if Makati was sincere, it should have already rejected the DOH's plea that the issue of ownership should be set aside at this point of the transition. Makati took DOH and Taguig for a ride as Makati had no intention all along to negotiate unless Taguig yields first to Makati's baseless claim of ownership," dagdag pa ng Taguig sa nakasulat na pahayag nito.
Sa isyu naman ng Ospital ng Makati, inamin naman ng Makati na hindi tinanggihan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang panukala ng Makati rito subalit ipinaubaya na lamang kay Health Secretary Teodoro Herbosa ang pagresolba rito, kung saan inatasan naman ang DOH Regional Director na mamuno sa diskusyon dito.
"To be clear, Taguig has far superior legal claim to the ownership of the land and the improvements thereon. Makati has no title to the lots, and indeed has not shown the public the titles that should support its claim. It is a builder in bad faith, constructing the facilities despite being aware of the flaws in its titles and in defiance of the injunction issued by the Regional Trial Court of Pasig enjoining it from exercising jurisdiction over and making improvements on the 10 barangays. What more, it constructed the facilities using the taxes that it illegally extracted and received from its unlawful occupation of Taguig's territory," paliwanag pa ng Taguig.
Sinabi pa ng Taguig City Government na ang nais lamang nila ay maibigay ang tuloy tuloy na serbisyo sa mga bagong residente nito mula sa 10 EMBO barangays.
(Photos by X Page of Atty. Claro Certeza and Taguig PIO)
Makati ang Umurong at Nagsisinungaling sa Isyu sa EMBO, Ayon sa Taguig | Taguig Balita
Language: Switch to English