Lalamig na ng tuloy-tuloy ang panahon simula sa susunod na linggo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

News Image #1

(Larawan mula sa PAGASA)

Ayon sa PAGASA, ito ay dahil sa pagsisimula ng northeast monsoon o amihan. Ang malamig na tuyong hangin at mas malamig na temperatura na dala ng hangin mula sa hilaga-silangan ang mamamayani sa mga susunod na linggo.

Natapos na ang southwest monsoon o habagat noong Oktubre 7, dagdag ng PAGASA.

Samantala, namonitor ng PAGASA ang paglakas ng high pressure system s Silangang Asya dahilan ng mga pag-ulan - ulan sa bansa.

Magkakaroon ng kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila ngayong araw na ito, kasama ang Luzon at Silangang Visayas.