Patuloy na magiging malamig lalo na sa gabi at madaling araw sa Pilipinas dahil sa Amihan o Northeast Monsoon, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

News Image #1

(Larawan ng PAGASA)

Ang lamig na ito ay lalong titindi ngayong Enero hanggang Pebrero, at ang presensya ng Amihan at easterlies ang magbubunsod ng pagbuo ng shear line na dahilan naman ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.

Kaninang madaling araw, Enero 6, 2025, ang pinakamalamig na naitala sa Baguio City ay 15°C. Ang pinakamababang temperaturang naitala sa Baguio ay 6.3°C noong Enero 18, 1961.

Sa Taguig City, naitala kaninang madaling araw ang pinakamalamig na temperaturang 24°C.

Samantala, nagbabala ang PAGASA na patuloy na mararanasan ng bansa ang tuloy tuloy na pag-ulan na tulad ng La Niña sa mga susunod na buwan. Gayunman, hindi pa rin idinedeklara ng PAGASA na La Niña season na.

Posibleng pagdating ng Pebrero, ayon sa PAGASA, ay lalakas at dadalas ang mga pag-ulan.

News Image #2

(Larawan ng Taguig.com)