Tumama sa Hilagang Luzon ang isang maliit na asteroid kaninang madaling araw (Setyembre 5, 2024) na isang tila bolang apoy na nagpaliwanag sa langit. May bilis itong 20.8 km/s.

News Image #1

(Screenshot mula sa video ni Marvin Coloma)

Nag-post ng videos ang mga netizens na nakasaksi sa iba't ibang bahagi sa Cagayan sa pagbagsak ng asteroid kaninang alas 12:39 ng madaling araw.

Isa sa mga videos ay ipinost ni Marvin Coloma mula sa Tuguegarao City, Cagayan.



Ang isa pa ay mula naman kay Mikyla Zipagan Lumauig na nakuhanan sa Carig Sur, Tuguegarao City, Cagayan.



Ang asteroid na 2024 RW1 ay na-detect lamang ilang oras bago ito tumama sa Daigdig. Una rito, sinabi ng European Space Agency na ang asteroid na nasa isang metro ang laki ay hindi naman mapanganib.

News Image #2

(Screenshot mula sa video ni Marvin Coloma)

"This is just the ninth asteroid that humankind has ever spotted before impact," ang pahayag ng European Space Agency.

Ang asteroid o meteoroid na dating kilala bilang CAQTDL2 ay nadiskubre ni Jacqueline Fazekas mula sa pinondohan ng NASA na Catalina Sky Survey.