Hindi inaasahan ng isang manggagawa sa pabrika na mate-tiyempuhan siya ng mga kapulisan ng Taguig habang naglalakad sa Bagsakan Road, Barangay Western Bicutan, Taguig noong Agosto 20.

Nagsasagawa ng operasyon laban sa kriminalidad sa pamamagitan ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Substation 2 ng Taguig Central Police Station nang makasalubong nila ang 25 taong gulang na si Jerico Corus na parang takot at hindi mapakali.

News Image #1


Nang siyasatin nila si Corus, natagpuan dito ang isang kalibre 38 baril at apat na bala.

Nabigo si Corus na magpakita ng nga dokumento na magpapatunay na lisensiyado ang kanyang baril.

Sasampahan ang manggagawa sa pabrika ng paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition.

(Photo by Taguig Police)