Magtutungo ang trak ng Manila Water na sisipsip sa mga poso negro ngayong Disyembre sa iba't ibang lugar sa Metro Manila na sineserbisyuhan nito sa east zone.
Kabilang sa pupuntahan ng desludging caravan ng Manila Water ay ang Barangay San Miguel sa Taguig City.
Magtutungo rin ang mga sisipsip ng poso negro ngayong Disyembre sa: Barangay Ugong Norte, Bagong Lipunan ng Crame, Pinyahan, Bahay Toro, Botocan, White Plains, Amihan, Old Capitol Site, West Triangle, Duyan Duyan, Malaya, Project 6, Teacher's Village East sa Teacher's Village West sa Quezon City; Barangay Olympia, Valenzuela, Pio Del Pilar, at Singkamas sa Makati City; Barangay San Antonio, Oranbo, Kapasigan at Malinao sa Pasig City; Barangay Bagong Silang at Mauway sa Mandaluyong City; Barangay 865 at 867 sa City of Manila.
Sinabi ng Manila Water na ang iba pang customers nito na nagnanais magpasipsip ng kanilang poso negro ay maaaring tumawag sa hotline 1627.
"As septic tank overflowing can cause contamination of water supply, health hazards and property damage, having your septic tanks siphoned can help maintain health and safety at home and create a positive experience for our families and guests during holiday celebrations," ayon kay Jeric Sevilla, Manila Water Communication Affairs Group Director.
Magtutungo rin ang desludging caravan sa Barangay Cupang, sa San Jose at San Roque sa Antipolo City sa Rizal Province.
(Mga larawan ng Manila Water)
Manila Water, Magsisipsip sa Poso Negro sa Barangay San Miguel, Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: