Hinihikayat ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang mga negosyante ng sampung EMBO (Enlisted Men Barrios) barangay na magparehistro na ng kanilang negosyo sa Taguig.

Ito ay makaraang magdesisyon ng pinal ang Korte Suprema kaugnay ng pagsasailalim sa 10 EMBO barangays sa hurisdiksyon ng Taguig City.

Sinabi ng pamahalaang lungsod ng Taguig na mas mababa ang kanilang tax rates kumpara sa Makati.

News Image #1


Sa ngayon ay nasa 2% lamang para sa residential owners kumpara sa 2.5% sa Makati at 2.5% kumpara sa Makati na 3% para sa commercial at industrial.

Nagbibigay rin ang Taguig ng 20% diskwento sa mga magbabayad ng kanilang 2024 taxes ng buo bago mag-Disyembre 29, 2023.

May itinalaga ring special lane sa mga EMBO residents na mangangailangan ng tulong sa pagbabayad ng kanilang buwis sa Taguig.

Maaari ring magtungo sa link na ito para sa karagdagang detalye.
https://bit.ly/TaguigRealPropertyTaxProcess

Sa mga dagdag na katanungan, maaaring kontakin ang City Assessor's Office sa 0919-061-1003 o sa Taguig City Assessor EMBO Concern Facebook Page.

(Photo by Taguig PIO)