Makalipas ang halos anim na buwan, nakalaya rin mula sa Taguig City Jail ang isang matandang lalaking Muslim na napagkamalan lamang na suspek.

Sinabi ni Senador Robinhood Padilla na tinutukan niya ang kaso ni Mohammad Maca-Antal Said na inaresto noong Agosto 10 noong isang taon.

News Image #1


Si Said na taga Balo-i, Lanao del Norte ay hinuli sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 habang naghahanda para sa kanyang paglipad patungo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Napagkamalan si Said na si Mohammad Said nak ilala rin bilang Ama Maas na mayroong 9 na warrants of arrest.

Makalipas ang 176 araw na pagkakulong, napatunayang sa korte na hindi ito ang Mohammad Said na wanted at pinalaya ng hukuman.

Gayunman, sinabi ni Padilla na mayroon isa pang biktima ng mistaken identity at ang pangalan naman nito ay Mohammad Pangcoga Said.

"Ito po ay hindi makatwiran, makatarungan at makatao. Hindi na po ito katanggap tanggap lalo na sa panahon na bumubuhos ang teknolohiya at innovation," ang pahayag ni Padilla.

"Kung nais nating ibalik ang tiwala ng publiko patatagin ang pundasyon ng isang makatarungang lipunan, sana po wala nang matulad kay Tatay Mohammad at Mohammad Said," dagdag pa ng senador.

(Larawan mula sa Senado)