Maulap subalit maganda ang panahon sa pagsalubong sa bagong taon ng Taguig City.

Batay sa Accuweather, walang nakikitang pag-ulan sa Metro Manila bagaman at maulap ang papawirin mamayang gabi, Disyembre 31, 2024.

News Image #1

{Screenshot mula sa accuweather.com)

Gayunman, magiging maulan ang pagpapalit ng taon sa Northern Luzon, Bicol Region, Palawan, Visayas at Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ang pag-ulan ay bunga ng epekto ng shear line at ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

News Image #2

(larawan ng Taguig.com)

Katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang mararanasan ng Cagayan, Apayao, Isabela, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Palawan, Sorsogon, Northern Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Zamboanga del Norte, Negros Oriental, Siquijor, at Dinagat Islands ngayong bisperas ng bagong taon.

Sa Enero a uno naman ay inaasahang magiging katamtaman at malakas din ang pag-ulan sa Northern Samar, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Albay, Sorsogon, Dinagat Islands, at Surigao del Norte.

Nagbabala ang PAGASA na ang mas malakas ang pag-ulan sa mga mabundok at matataas na lugar.