Makaraan ang ilang linggong pagtataas ng presyo ng mga produktong pterolyo, posibleng bumaba na ito sa susunod na linggo.
(Larawan ng Taguig.com)
Batay sa pagtataya ng mga lokal na industry sources, inaasahang bababa sa P0.70 hanggang P1.00 kada litro ang presyo ng gasolina at ang diesel naman ay posibleng bumaba ng P0.20 hanggang P0.55 kada litro. Ang kerosene naman ay inaasahang bababa ng P0.40 hanggang P0.50 kada litro.
Ang mga pagtatayang ito ay batay sa apat na araw na trading ng Mean of Platts Singapore, ang pinagbabasehan ng presyo ng mga produktong petrolyo sa Timog-Silangang Asya.
"After three weeks of increases, fuel prices will finally go down next week as the market continues to gauge how US President Donald Trump's proposed tariffs could affect global economic growth and demand for energy. In addition, the reopening of refineries and ports in the US Gulf Coast last Wednesday after a winter storm also had an effect as well," ang pahayag ni Director Rodela Romero ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau.
Noong Enero 21, 2025, nagpatupad ang mga lokal na kumpanya ng mga produktong petrolyo ng pagtataas na P1.65 kada litro sa gasolina, P2.70 kada litro sa diesel at P2.50 naman kada litro sa kerosene.
May Rollback sa Susunod na Linggo sa Presyo ng Gasolina, Diesel at Kerosene | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: