Nakipagpartner ang Philippine Army (PA) sa Commission on Human Rights (CHR) upang mas mapaunlad pa ang iba't ibang mental health programs at maisulong ang mas ligtas na espasyo para sa mga kasundaluhan sa isinagawang pagpupulong sa headquarters ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Nagpasalamat si Army Chief Lt. Gen. Romeo Brawnwr Jr sa Philippine Army Human Rights Office (AHRO) at CHR sa pagsulong ng mga "mental health program" at "culture of safe spaces" sa militar.

Sa pagpupulong nina Brawner at CHR Chairperson Atty. Richard P. Palpal-latoc, iniulat ng heneral ang paglikha nila ng mga "safe spaces" sa Army na nagpapahalaga sa pag-respeto at pagiging bukas sa "social differences" ng iba't ibang indibidwal.

News Image #1


Nagpahayag naman ng kasiyahan si Chairperson Palpal-latoc sa pagiging pro-active ng Philippine Army sa pagtataguyod ng karapatang pantao sa pamamagitan ng pagsasanay, information dissemination, at diyalogo sa mga opisyal at tauhan sa kampo at sa labas nito.

Tiniyak naman ni Brawner kay Palpal-latoc na patuloy na makikipagtulungan ang Phil. Army sa CHR, para lumikha ng "safe and secure environment" at "wholistic mental health program" para sa benepisyo ng mga sibilyan at sundalo sa militar.

(Larawan mula sa Philippine Army)