Labinlimang lugar sa Pilipinas ang nasa dangerous heat index ngayong araw na ito, Abril 22, 2024.
Ang Metro Manila, kabilang ang Taguig City, ay makakaranas ng 41 degrees Celsius ngayong araw na ito, subalit bukas, Abril 22, 2024, malalagay sa dangerous heat index ang National Capital Region dahil tinataya ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Administration (PAGASA) na makakaranas ito ng 42 degrees Celsius.
Ang 15 lugar naman na nasa dangerous heat index ngayong Abril 22 ay ang mga sumusunod:
CBSUA-Pili, Camarines Sur - 45°C
Infanta, Quezon - 44°C
Puerto Princesa City, Palawan - 44°C
Aborlan, Palawan - 44°C
Dagupan City, Pangasinan - 43°C
Aparri, Cagayan - 43°C
Legazpi, Albay - 43°C
Virac, Catanduanes - 43°C
Masbate City, Masbate - 43°C
Guiuan, Eastern Samar - 43°C
Roxas City, Capiz - 42°C
Iloilo City, Iloilo - 42°C
Tuguegarao City, Cagayan - 42°C
Dumangas, Iloilo - 42°C
Catarman, Northern Samar - 42°C
Ang heat index ay ang nararamdaman ng katawan ng tao sa temperatura sa kapaligiran na may kinalaman sa kahalumigmigan (humidity) na nasa hangin.
Nagbabala ang PAGASA na maaaring magka-heat cramps at heat exhaustion na maaaring mauwi sa heat stroke ang mga sobrang nakabantad sa araw sa panahon ng ganitong init.
(Larawan ng DOST at PAGASA)
Metro Manila Kabilang ang Taguig City, nasa 41 Degrees Celsius Ngayon, Abril 22, ang Heat index; Tatama sa 42 Degrees Celsius Bukas, Abril 23 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: