Binigyan ng pahintuloy ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang mga operator ng tricycle ng pasig na maghatid ng mga mananakay mula sa Pasig patungong piling mga bababaan sa Taguig,
Ang kasunduan o memorandum of agreement kaugnay ng mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng Pasig at Taguig ay nilagdaan noong Hulyo 20, 2023 nina Taguig Mayor Lani Cayetano at Pasig Mayor Vico Sotto.
Naganap ang lagdaan sa boundary ng Taguig at Pasig, sa may T. Rayos Street ng Taguig at Visitacion Street ng Pasig.
Layunin ng kasunduang ito na maiwasan ang dobleng sakay ng mga pasahero sa dalawang lungsod upang hindi rin madoble pa ang kanilang pamasahe.
Kabilang sa mga maaaring pagbabaan ng tricycle na galing Pasig ang Taguig City Hall, Barangay Ususan, Napindan, Tipas, Tuktukan at Bambang.
Ang mga tricycle naman ng Taguig ay maaaring maghatid sa Pasig sa Barangay Buting, Immaculate Conception Cathedral Parish, Kalawaan, Pasig-Mega Market at Meralco-Sagad.
Hindi naman pahihintulungang magsakay ng pasahero ang mga TODA sa Taguig sa loob ng Pasig at gayundin ang TODA ng Pasig sa loob ng Taguig.
"Patunay lang po ito na kung magtutulungan po ang iba't ibang lokal na pamahalaan ay mas magiging maganda po para sa ating mga nasasakupan," ayon kay Sotto.
"Kagaya ho ni Mayor Vico, ipinagpapasalamat natin ang isang magandang halimbawa ng pag-uugnayan ng mga lokal na pamahalaan. Tunay na sa mahinahong pag-uusap at koordinasyon, 'yung mga pagkakaiba ay pwedeng mapag-isa, hindi ho ba? 'Yun pong mga hindi pagkakasundo, kapag natatalakay, nasosolusyonan," ang pahayag naman ni Cayetano.
(Photo from I Love Taguig Facebook Page)
Mga Alkalde ng Taguig at Pasig, Nagkasundo | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: