Libre ang pagsakay ng mga batang edad labingpito pababa sa Metro Manila Rail Transit o MRT-3 sa Lunes, Nobyembre 6.

News Image #1


Ayon sa National Council for the Welfare of Children (NCWC), ito ay bahagi ng selebrasyon ng National Children's Month.

Ang libreng sakay para sa mga bata sa Nobyembre 6 ay mula alas 7:00 hanggang alas 9:00 ng umaga at mauulit ng alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi.

News Image #2


Gayunman, hindi kasama sa malilibre ang pamasahe ng mga kasamang matanda ng mga bata.

(Photos by Metro Rail Transit 3)