Isinara kamakailan ng Makati City ang mga daycare centers sa EMBO (enlisted men's barrio) barangays at kinuha ang mga kagamitan sa loob nito, ayon sa isang pahayag na inilabas ng pamahalaang lungsod ng Taguig.
(Larawan mula kay Annalyn Enciso Bechayda)
Anila, walang paunang pasabi ang isinagawang pagsasara ng mga daycare centers subalit hindi ito dahilan para mabitin sa kanilang pag-aaral at pagpapaalaga ang mga batang taga-EMBO na pumapasok sa mga ito.
Bilang aksyon, nagtulungan ang pamahalaang lungsod ng Taguig at ang Department of Education Division of Taguig and Pateros para matuloy ang pagpasok ng mga bata sa Pebrero 5, 2024.
Sinabi ng pamahalaang lungsod ng Taguig na ang pinakamalapit na pampublikong paaralan sa elementarya ang pansamantalang magiging daycare centers sa mga EMBO barangays.
Ang mga naapektuhan sa dalawang daycare centers sa Barangay Cembo ay ililipat sa Cembo Elementary School sa Acacia Street.
Dalawa rin sa Barangay Comembo ang inilagay naman sa Comembo Elementary School na nasa Lanzones Street.
Ang mga apektadong estudyante sa Barangay East Rembo CDC at Bahay Bulilit ay ililipat sa East Rembo Elementary School na nasa National Road, Barangay East Rembo.
Para naman sa naapektuhan sa tatlong day care centers sa Barangay Pembo, ang mga bata ay pansamantalang papasok sa Pembo Elementary School sa Escarlata Street.
Ang apektado sa isinarang dalawang daycare centers sa Barangay Pitogo ay ililipat naman sa Pitogo Elementary School sa may Jacinto corner Cebu Street.
Ang apektado ng pinakamaraming daycare centers na nagsara, sa Barangay Rizal kung saan lima ang ipiansara, ay malilipat pansamantala sa Rizal Elementary School sa Milkweed Street.
Ang mga napagsarhang estudyante sa Barangay South Cembo ay malilipat sa South Cembo Elementary School sa General Luna Street.
Ang mga apektado naman ng dalawang nagsarang daycare centers sa Barangay Post Proper Southside ay malilipat sa Barangay Post Proper Southside Daycare Center sa Scorpion Street at sa Barangay Hall sa Fox Street Palar Village.
Ang naapektuhan ng isang daycare center na nagsara sa Barangay West Rembo ay ililipat pansamantala sa West Rembo Elementary School sa 21st Street.
Nakahanda ring magbigay ng libreng sakay ang pamahalaang lunsod ng Taguig sa mga batang mapapalayo ang kanilang bagong papasukang daycare center.
May mga nakahanda ring school uniforms at school supplies ang pamahalaang lungsod ng Taguig para sa mga batang naapektuhan ng pagsasara ng mga daycare centers sa EMBO barangays.
Kung may mga paglilinaw kaugnay ng biglang paglilipat ng mga estudyante ng mga daycare centers sa EMBO barangays, maaaring makipag-ugnayan sa City Social Welfare and Development sa 0909.888.1116.
(Photo by Taguig PIO)
Mga Batang Apektado ng Pagsasara ng Makati sa Daycare Centers sa EMBO Barangays, Ililipat Pansamantala ng Taguig sa Malapit na Elementary Schools at Barangay Hall | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: