Makakaboto na ng kanilang konsehal ang 208, 000 rehistradong botante ng 10 Enlisted Men's Barrios (EMBO) barangays sa eleksyon sa Mayo 2025.
(Larawan ni Dexter Terante)
Gayunman, hindi pa rin makakahalal ng kanilang kongresista ang EMBO barangays habang pinag-aarln p ito ng Commission on Elections (COMELEC).
Inaprubahan ng Comelec nitong Huwebes, Setyembre 26, 2024, ang pagsama sa 10 EMBO barangays na bagong nakuha ng Taguig City mula sa Makati City, sa dalawang distrito sa Taguig, Makakapili na sila ng tig-12 konsehal sa bawaat distrito mula sa dating walo lamang.
(Larawan ni Dexter Terante)
Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 11069, ang mga botante sa mga barangay ng Comembo, Pembo at Rizal ay itinalaga sa unang distrito ng Taguig.
Samantala, ang mga botante sa barangay Cembo, South Cembo, East Rembo, West Rembo, Pitogo, Post Proper Northside at Post Proper Southside ay inilagay sa hurisdiksyon ng ikalawang distrito ng Taguig.
Pinaboran sa Comelec en banc resolution ang rekomendasyon ng Election Records and Statistics Department at Office of the Deputy Executive Director for Operations na aprubahan ang Ordinance No. 144 ng Taguig City, na ipinasa upang bigyan ng pagkakataon ang mga botante sa EMBO barangays na makapili ng kanilang representante sa Kongreso at sa city council.
Batay sa pahayag ng Comelec: "The Sangguniang Panlungsod [of Taguig] did not violate the constitutional proscription that only Congress can create legislative districts. These two legislative and councilor districts are already existing and there are no new or additional districts created."
Gayunman, kailangang magpasa muna ng joint resolution ang Kongreso at Senado upang maisabuhay ang naturang ordinansa ng siyudad. At hangga't wala nito, hindi pa rin makakapili ang mga botante sa EMBO ng kanilang kongresista.
Sinabi ng Comelec na ang Kongreso lamang ang may otoridad para sabihin kung anong barangay ang dapat na maisama sa isang legislative district.
Inaprubahan ng Senado ang Concurrent Resolution Number 23 noong Martes ng gabi samantalang ang Kongreso naman ay inaprubahan ang Concurrent Resolution Number 37 noong Miyerkules ng gabi, kung saan in-adopt nil ang City Ordinance Number 144 na nagsasama sa 10 EMBO barangays sa dalawang congressional districts ng Taguig, upang makaboto naman sila ng kanilang kongresista sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
(Mga larawan mulaa s Taguig PIO)
Sinabi ni Comelec Chairmn George Garcia na kakatanggap lamang nila ng kopya ng concurrent resolutions sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso at pag-aaralan pa nila ang legal na impliksyon nito.
Maglalabas ng panibagong resolusyon ang Comelec upang pormal na bigyan ng pagkakataon ang mga botante ng EMBO barangays na makaboto ng kanilang kongresista.
Mga Botante sa EMBO Barangays, Makakaboto na ng Konsehal Subalit Naghihintay pa sa Pag-Apruba ng Comelec Para Makaboto ng Kongresista sa Halalan sa Mayo 2025 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: