Bilang bahagi ng selebrasyon ng ika 126 na Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, ang Bureau of Immigration kasama ang iba pang mga ahensiya ng pamahalaan ay magbibigay ng serbisyo puliko sa mga magtutungo sa Rizal Park ngayong araw na ito, Hunyo 11, 2024.
(Larawan mula sa Bureau of Immigration)
Sa ilalim ng "Pampamahalaang Programa at Serbisyo (PPS)," bibigyan din ng serbisyo ang mga dayuhang nagnanais na mapalawig ang kanilang tourist visa, nanghihingi ng tulong sa kanilang pananatili sa bansa at iba pang serbisyong pang-online.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring magtungo sa website ng Bureau of Immigration: https://e-services.immigration.gov.ph
Samantala, magsasagawa ng malaking job fair ang pamahalaang lungsod ng Taguig sa Activity Area Phase 2 ng Vista Mall sa Taguig City sa Hunyo 12, 2024 mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon. "Pinamagatang "Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan," maaaring ma-hire on the spot ang ilang aplikante rito. Kailangan lamang magparehistro sa pamamagitan ng QR code na nasa art card.
(Art card ng Taguig PIO)
Mga Dayuhang Nais Magpalawig ng Tourist Visa, Magtungo Lang sa Booth ng Bureau of Immigration sa Rizal Park Ngayong Hunyo 11 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: