Nagkasundo ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig at ang Pag-IBIG Fund upang mabigyan na rin ng benepisyo at makinabang sa kanilang mga programa at serbisyo ang mga empleyado ng Taguig City government na naka-job order (JO) at contract of service (COS).

News Image #1


Ito ang laman ng memorandum of agreement na nilagdaan nina Taguig City Mayor Lani Cayetano, City Human Resource Management Office head Jeanette Clemente, Vice President ng Pag-IBIG Fund - NCR Southwest Group's Members Services Operations Perlacita Roldan, at Acting Area Head Dennis Laparan noong Nobyembre 5, 2024 sa People's Hall ng SM Aura Satellite Office sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Sinabi ni Cayetano na nais ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na kasama ang lahat ng pag-angat.

News Image #2


Nakipagkasundo na rin ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa Social Security System upang magkaroon din ng benepisyo sa pagpapa-miyembro rito ng mga JO at COS, upang matiyak naman ang magandang kinabukasan para sa mga naturang empleyado.

"Nauna na po nating na-sign 'yung partnership with SSS, and now here we are, signing a partnership with our Pag-IBIG family. And hopefully, patuloy na makahanap ng paraan ang City of Taguig para mas mapagaan at mas madagdagan ang incentives na naibibigay natin sa ating JO at COS employees," ang pahayag ni Cayetano.

Magsasagawa ng orientation kaugnay ng Pag-IBIG para sa mga JO at COS na empleyado kaugnay ng kanilang benepisyo at obligasyon, at gayundin ang otomatikong pagbabawas sa kontribusyon sa Pag-IBIG.

Makakapag-ipon at makakautang na para sa pabahay ang mg JO at COS sa Pag-IBIG kapag sila ay naging ganap na miyembro na nito.

(Mga larawan mula sa Taguig City Government)