Nag-uwi ng napakaraming medalya ang Taguig Integrated School Robotics Team sa katatapos lamang na World Robot Games (WRG) sa Taipei, Taiwan.
Ang World Robot Games ay isang patimpalak sa mga nilikhang robot ng mga estudyante na isinusuong nila sa labanan na isinagawa sa National Taiwan Science Education Center sa Taipei, Taiwan noong nakaraang buwan ng Nobyembre.
Kabilang sa mga nagwagi na mula sa Taguig Integrated School ay ang 3rd Runner Up finishers o copper medalists na sina Aldred Jacob Dumdum at Tasha Mae, Ontuca para sa Sumo Basic.
2nd Runner-up naman o bronze medal ang nakuha ng mag-amang sina Joseph Mari Malanay at Aleph Malanay para sa Sumo Family category.
Si Aleph Malanay ay nakuha naman ang bronze medal o 2nd runner-up para sa Sumo 2.5 Kg. STEM.
Sa IBean Junior category, nakuha ni Malanay ang gintong medalya, pilak naman ang kay Ontuca at nakuha ni Cabugan III ang copper medal.
Sa ballfighting, nakuha nina Malanay, Zaira Rose Borja at Cabugan III ang bronze medal samantalang copper medal naman ang kay Ontuca.
Sa Football 4x4 nakuha ni Cabugan III ang bronze medal at copper medal naman ang naiuwi nina Malanay at Borja.
Sa Innovation Junior category, nakuha nina Malanay at Ontuca ang silver medal samantalang sina Aldred Dumdum, Borja at Cabugan III ang nakakuha ng bronze medal.
(Photos by Taguig Integrated School)
Mga Estudyante ng Taguig Integrated School, Wagi sa World Robotic Games sa Taiwan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: