Otomatikong walang pasok ang mga estudyante sa Kindergarten hanggang Grade 12, sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa Taguig City, kasama na ang mga nasa Alternative Learning System (ALS) ngayong Lunes, Nobyembre 18, 2024.

News Image #1

(Larawan ng Taguig PIO)

Sa inilabas na Facebook post ng Taguig City government, ang pagtataas sa Metro Manila sa Signal Number 2 alas 8:00 ng gabi ng Nobyembre 17, ay bunga ng bagyong Pepito, ang dahilan ng kanselasyon ng mga klase.

"Following DepEd Order No. 37, s. 2022, classes from Kindergarten to Grade 12, including ALS, in public and private schools are automatically suspended. Schools are advised to implement alternative learning delivery modes," ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig.

Sa kabila naman ng Wind Signal Number 2, sinabi ng Taguig City na inaasahang mas magiging maganda na ang kalagayan ng panahon ngayong araw na ito at magkakaroon lamang ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Ang bagyong Pepito ay palabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Lunes ng umaga o tanghali, Nobyembre 18.

Kung sakaling magkaroon ng problema o emergency, maaaring tawagan ang mga sumusunod:
COMMAND CENTER
(02) 8789-3200
TAGUIG RESCUE
0919-070-3112
PNP
(02) 8642-3582
0998-598-7932
TAGUIG BFP
(02) 8837-0740
(02) 8837-4496
0906-211-0919