Isandaan at tatlumpu't dalawang migratory birds ang namataan sa bahagi ng Laguna Lake sa may Mercado del Lago, Lakeshore, Barangay Lower Bicutan, Taguig City noong Enero 24, kasabay ng isinagawang lecture sa bird diversity assessment at monitoring ng pamahalaang lungsod ng Taguig sa naturang lugar.
Ang 132 ibon ay nagmula sa 8 lahi na kinabibilangan ng Rock Doves o feral pigeons, Whiskered Terns, Little Egrets, Javan Pond Herons, Common Kingfishers, Collared Kingfishers, Barn Swallows at Eurasian Barn Swallows.
Pinasalamatan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang Department of Environment and Natural Resources - National Capital Region (DENR-NCR) sa kanilang isinagawang lecture sa maingat na pakikisalamuha at pag-obserba sa mga migratory birds.
Tinalakay sa lecture ang paggamit ng optical instruments, mga pamantayan at gabay, at tips sa pagkilala sa mga ibon, panonood sa mga ibon at pagbilang sa mga ibon.
Dalawampu't limang tauhan ng Office of the City Veterinarian - Taguig, City Epidemiology and Disease Surveillance Unit at City Environment and Natural Resources Office ang dumalo sa naturang lecture.
(Photos by Taguig PIO)
Mga Ibong Dayo, Makikita sa Lakeshore, Lower Bicutan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: