Inilagay sa panganib ng mga Bureau of Fire Protection ang buhay ng mga taga-EMBO (Enlisted Men's Barrio) barangays nang ikandado ang mga istasyon ng bumbero na nasa EMBO.

News Image #1

(Larawan mula sa PTV 4)


(Video ng naka-padlock na pintuan na ibinigay ng Taguig PIO)

Sa isang Facebook live streaming video ni Senador Alan Peter Cayetano kahapon, Enero 5, tinuligsa nito ang pagkandado sa mga fire station sa EMBO barangay kung kailan naka-red alert dahil sa pagsalubong sa Bagong Taon.

News Image #2

{Screenshot mula sa Facebook live video ni Senador Alan Peter Cayetano)

"Noong December 31, nakakandado na pala ang fire stations. Wala tayong kamalay malay samantalang naka-red alert dahil sa putukan. Ano ang ginawa ng fire chief ng Makati? Umalis, ikinandado, hindi hinintay ang Taguig na lumipat. Ano ang ginawa ng regional director? Ano, natutulog sa pansitan? Wala namang coordination dyan. So isipin mo December to January 1. Buti na lang walang nangyaring sunog diyan," ang emosyonal na pahayag ng senador. (I-click ang video sa ibaba)


(Facebook Live video ni Senador Alan Peter Cayetano)

Nalaman lamang ng senador at ng kanyang maybahay na si Taguig City Mayor Lani Cayetano na sarado ang mga fire stations sa Barangay West Rembo at Barangay Comembo noong Enero 1 nang maimbitahan sila sa isang boodle fight kasama ang mga pulis.

News Image #3

(Larawan mula sa Taguig PIO)

Tinawagan ng senador noong Enero 2 ang direktor ng BFP upang tanungin kung bakit nakakandado ang mga naturang istasyon ng bumbero sa EMBO barangays.

Ipinangako aniya sa kanya ng direktor ng BFP na bubuksan ito at pagrereportin din ang mga tauhan ng istasyon.

Gayunman, nang i-check muli ng senador ang mga naturang istasyon ng bumbero noong Enero 5, naka-padlock pa rin ang mga ito.

"I'm very disgusted and very upset with the bureau of fire and I promise all of you I will get to the bottom of this, hindi pa tapos ang isyu na to," ayon kay Cayetano.

Nabuksan lamang muli ang mga istasyon ng bumbero sa West Rembo at Comembo nang mamagitan na si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos.

"Very very clear ang Supreme Court decision. Very, very clear din na lahat ng issue sa pagmamay- ari ay paguusapan. Kung 'yan ay Makati talaga, babayaran. Kung hindi Makati, hindi. Pero dapat hindi maantala ang public service," pagtatapos ni Cayetano.