Libre ang pamasahe ng lahat ng mga kababaihang sasakay sa Light Rail Transit 2 (LRT2) at Metro Rail Transit (MRT3) sa Marso 8, 2024, mula alas 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi.

News Image #1


Ang libreng pagsakay sa mga kababaihan ng LRT2 at MRT3 ay bilang bahagi ng selebrasyon ng International Women's Day.

"The free ride is MRT-3's simple way to show support to every 'Juana' and our gratitude for the invaluable contribution of women to the development of our country," ayon kay Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge na si Jorjette Aquino

News Image #2


Sinabi naman ni LRTA Administrator Hernando Cabrera na ang libreng pagsakay ng mga kababaihan sa LRT2 ay isang pasasalamat at pagkilala sa tagumpay at talino ng mga kababaihan sa kanilang mga trabaho o ginagawa lalo na sa pamilya at komunidad.

Kabilang sa mga istasyon ng tren ng LRT2 o Purple Line ay ang Recto Station sa Manila na may koneksyon sa LRT 1, Legarda Station, V. Mapa Station, Gilmore Station sa Quezon City, Betty Go Belmonte Station,
Beti Go Belmonte Station is in New Manila, Quezon City and is named after Beti Go Belmonte, Araneta Center-Cubao Station kung saan maaaring lumipat mula sa LRT 2 patungo sa MRT3, Anonas Station, Katipunan Station, Santolan Station sa Marikina, at Antipolo Station.

Ang MRT3 naman ay may 13 istasyon na bumabagtas sa kabuuan ng EDSA mula Taft Avenue sa Pasay City hanggang North Avenue sa Quezon City.

Noong isang taon ay tumaas ang bilang ng mga sumasakay sa MRT3 sa kabila ng may EDSA Bus Carousel sa ibaba nito makaraang makapagtala ng 129,030,158 sumakay noong 2023.

Umakyat ito ng 30% mula sa sumakay noong 2002.

This figure is up by more than 30 percent from the total ridership of 98,330,683 in 2022.

"Travel time is now only 30 to 45 minutes from North Avenue Station to Taft Avenue Station. Headway is also at as low as 3.5 minutes to 4 minutes during peak hours, with 18 train sets operating," ayon kay Aquino.

(Mga larawan mula sa DOTr - MRT 3)