Isang babae at isang lalaki ang nasawi makaraang mabundol ang sinasakyang motorsiklo ng mga ito ng isang SUV sa J.P. Rizal Extension, harap ng Guadalupe Bliss, Barangay Cembo, Taguig City kaninang bandang alas 2:00 ng madaling araw.
Ang kasama nilang isang teenager na babae ay ginagamot ngayon sa Ospital ng Makati (OSMAK) na nasa Barangay Pembo, Taguig City.
Napag-alaman ng Taguig.com sa Traffic Bureau ng Taguig City na lumampas sa linya at napa-counterflow ang Ford Everest na minamaneho ng isang 44 taong gulang na Indian national at nabangga nito ang motorsiklo na sinasakyan ng mga biktima.
Ang biktimang babaeng 15 anyos at lalaking 22 taong gulang ay nasawi samantalang ang 19 na taong gulang na babae ay ginagamot ngayon sa Ospital ng Makati.
Sinabi ng isang tauhan ng Taguig City Traffic Bureau sa may Market!Market! na nakapanayam ng Taguig.com na hindi lasing ang driver ng SUV nang maganap ang pangyayari.
Kasalukuyang nakapiit ang Indian national na driver ng SUV sa Traffic Bureau ng Taguig City sa may FTI, Taguig.
(Mga larawan ni Johnson Pacaña)
Mga Kabataang Edad 15 at 22 na Sakay ng Motorsiklo, Nasawi Makaraang Mabangga ng SUV ng Isang Indian National | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: