Pinarangalan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang mga Taguigenong nagbibigay ng dangal at pagkilala sa lungsod sa isang seremonya sa Taguig City Hall noong Lunes, Oktubre 9.

Kinilala ni Cayetano ang karangalang nakuha ng Barangay Lower Bicutan bilang pangunahing Lupon Tagapamayapa mula sa Department of Interior and Local Government (DILG). Sa incentives program ng DILG, kinikilala ang mga lupon o pangkat na nakakaresolba agad ng mga kaso sa barangay na pantay ang paghatol.

News Image #1


"Salamat po kasi ang pagpili talaga sa nga lupon, mitikolosa din 'yan. Dapat 'yan respected ng community, ang salita niya mayroon pong may bigat sa komunidad dahil para mapasunod ang tao dapat mayroon ka talagang integridad at ang respeto nila ay na sa'yo," ayon kay Cayetano.

Pumangalawa naman sa karangalang ito ang dating kampeon na Barangay Fort Bonifacio at pumangatlo naman ang Barangay North Daang Hari.

Sinamantala na rin ni Cayetano ang pagkakataon upang batiin ang pagtatagumpay ng Taguig Generals Soft Ball Team na nakuha ang kampeonato sa Open Invitational Slopitch Tournament sa University of the Philippines sa Los Baños, Laguna. Natalo ng Taguig Generals ang Entom Tigers na dati ay laging nagka-kampeon. Si Arvin Santos ng Taguig Generals ang kinilalang Most Valuable Player.

News Image #2


Binati rin ni Cayetano ang Taguig City University Pep Squad na nagwagi sa ika-walong sunod na taon sa ika-labindalawang Local Colleges and Universities Athletic Association National Games Cheerdance Championship.

News Image #3


"Their dedication, talent, and passion have once again propelled them to secure their 8th consecutive Championship title," pagtatapos ni Cayetano.

(Photos by Taguig PIO)