Pinabubura ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng mga ipinost sa social media na may kinalaman sa pagkamatay ng aktor na si Ronaldo Valdez, partikular ang isang crime scene video na nagpapakita noong kinukuha ng mga otoridad ang aktor sa pinangyarihan ng insidente.

News Image #1


Ibinabala ng PNP na makakasuhan ng paglabag sa Anti-Cybercrime Law ang makikitaan ng video ng crime scene sa social media, tulad ng paghaharap nila ng ganitong kaso sa tatlong sibilyan na nagpakalat ng video.

Hiniling ng PNP sa publiko na kung sakaling may iba pang video tungkol sa crime scene ng pangyayari kay Valdez, huwag na itong pagpasa-pasahan pa upang hindi makasagabal sa isinasagawang imbestigasyon sa kamatayan ni Valdez at bilang respeto na rin sa naiwan nitong pamilya.

Sinibak na rin ng PNP ang mga pulis na sina Police Senior Master Sergeant Wilfredo Calinao at Police Corporal Romel Rosales dahil sa pagkakasangkot sa pagkalat ng crime scene video, at ang Quezon City Police Station 11 Commander na si Lieutenant Colonel Reynante Parlade dahil sa command responsibility.

(Photo from jannolategibbs Twitter/X account)